SEA GAMES GOLD MEDALIST, NAGPASALAMAT SA LAGUNA
- Friday, 02 December 2011
Pinasalamatan ng Southeast Asian Games long jump gold medalist na si Maristella Torres ang lalawigan ng Laguna kaugnay ng pagpapahiram ng pamahalaang lokal ng lugar para kanilang pagsanayan.
Si Torres na kinopo ang record ng Southeast Asian Games na 6.71 meters ay personal na pinasalamatan si Gobernador Jorge E.R. Ejercito dahil sa ginamit ng mga manlalaro sa Athletics ang San Luis Sports Complex sa Sta. Cruz, Laguna. Ayon pa kay Torres, bago i-offer ni Ejercito ang Laguna bilang lugar na pagsasanayan nila ay kanya-kanyang training ang ginawa ng bawat atleta. Binanggit din niya na sa kabila ng kakulangan sa mga pasilidad at kagamitan ay nagtatagumpay pa rin at pursigido ang mga atletang Pinoy.
Bukas pa rin naman ang Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna na muling ipahiram ang mga pasilidad ng probinsya para sa mga national athletes.
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph




