9 NA BAHAY, NILAMON LUPA
- Tuesday, 29 November 2011
Rizal--- Nilamon ng lupa ang 9 na bahay sa isang subdibisyon matapos gumuho ang mataas na bahagi kahapon ng tanghali sa Antipolo City, Rizal. Kaagad namang nakalabas ang mga naninirahan sa siyam na kabahayanan na natabunan sa Summer’s Ville Subdivision sa Marcos Highway sa Brgy. Mayamot sa nasabing lungsod. Ayon sa ulat ni Joey Marco, hepe ng local na Office of Civil Defense ng Antipolo City Hall, dakong 12 ng tanghali ng maganap ang insidente makaraang bumigay ang rip rap na sumusuporta sa lupa ng katabing subdibisyon na Ora Vista Royal Executive Subd.
Gayon pa man, rumesponde kaagad ang mga tauhan ng Antipolo City Rescue Team at nag-inspeksyon ang mga tauhan ng Engineering Office nang makatanggap ng ulat na sinasabing isang swimming pool ang ginagawa sa Ora Vista na pinaniniwalaang sanhi ng paghina ng pundasyon ng lupa. Samantala, pinalilikas naman ng pamahalaang lungsod ang iba pang residente na nakatira malapit sa lugar sa panganib na magkaroon muli ng landslide.
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph




