Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

JEEP NAHULOG SA BANGIN: 9 SUGATAN

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 


QUEZON --–Siyam na katao ang malubhang nasugatan matapos mahulog sa mababaw na bangin ang pampasaherong jeepney sa old zigzag road, Barangay Malinao Ilaya sa bayan ng Atimonan, Quezon kamakalawa ng umaga.


Ang mga nasugatan ay sina Christian Velasco, 32, driver; Leonardo Deseo, 28; BelindaRoxas, 51; Menandro Paison, 47; Maria Jessa Roxas, 24; Camille Ibalan, 18; Jade Sairon Paisan, 3; Mark Gil Paisan, 19; at si Noli Oribiana, 25, pawang nakatira sa bayan ng Plaridel, Quezon na kasalukuyang ginagamot sa Dona Marta Hospital. Base sa imbestigasyon ang mga biktima ay lulan ng Isuzu jeepney patungong Plaridel mula sa Bulacan nang salpukin ng van ni Franklin Maloles ng Camarines Sur. Nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng jeepney na si Velasco at tuluyang nag-dive sa bangin na may lalim na 20 talampakan habang naaresto naman ang driver ng van.--MJ PEDRAJA


CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph 

DISCLAIMER