2 PATAY, 20 SUGATAN SA PAGTAOB NG SERVICE VAN
- Tuesday, 22 November 2011
Batangas--- Patay ang dalawang katao habang 20 iba pa ang sugatan nang bumaligtad ang sinasakyang service van sa kahabaan ng Southern Tagalog Arterial Road (STAR) Tollway sa Barangay San Juan sa bayan ng Malvar, Batangas kahapon ng umaga.
Nakilala ang dalawang nasawi na sina Delfin Calazara, driver ng Izusu van (XEL-673) at John Paul Atienza, kawani ng Right Goods Philippines Inc. Namatay habang ginagamot sa Mary Mediatrix Hospital ang dalawa habang 15 pa ang ginagamot at 5 pasahero naman ay isinugod sa Lipa Medix Hospital.
Ayon sa imbestigasyon ng mga pulisya, papasok na sa trabaho ang mga biktima sa Calamba Laguna mula sa Lipa City, Batangas nang sumabog ang kaliwang gulong sa hulihang bahagi ng pagsapit sa northbound lane ng Km 70 sa Brgy. San Juan bandang ika-6 ng umaga. Base sa salaysay ng mga saksi nawalan ng control sa manibela ang driver hanggang sa bumaligtad ito ng ilang ulit hanggang tumilapon ang mga biktima palabas ng van ng ilang metro mula sa sasakyan.---MJ PEDRAJA
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph




