MILLION VOLUNTEER RUN, GAGAWIN SA LAGUNA
- Monday, 21 November 2011
Suportado ng Probinsya ng Laguna ang Million Volunteer Run sa darating na Disyembre 4, 2011 sa Nuvali, Sta. Rosa City.
Ito ay proyekto ng Philippine National Red Cross upang mailabas sa kabataan ang potensyal ng boluntaryong pagtulong sa mga nangangailangan. Humihingi ng tulong ang Red Cross upang matigil ang pagkawasak at kahirapan.
Ang Million Volunteer Run ay mangyayari sa lahat iba’t ibang siyudad at munisipalidad sa buong bansa.
Ang mga makikiisa sa pagtakbo ay ang magiging unang mga tagaresponde at mga blood donors kapag may nangyaring sakuna sa bansa.
Mag-uumpisa ang pagtakbo sa ika-lima ng umaga na may mga kategoryang 3K, 5K at 21K. Mayroong P500 registration fee sa gaganaping fun run at makakatanggap ang mga sasali ng Million Volunteer Run Red Cross Shirt, Red Cross Whistle, Race Bib, Registration Form, ID at Membership with Accident Assistance Benfit na P100. – M. PALENTINOS
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph




