PAMASKONG HANDOG NG LECPA SA 200 ESTUDYANTE NG CALAMBA
- Monday, 21 November 2011
Calamba City, Laguna --- Isang maagang pamasko ang inihandog ng Letran Calamba Parents Association (LECPA) sa mga batang mag aaral ng Bucal Elementary School. Ang Programang ito ay ang pagpapakain sa mga bata o Feeding Program, pamimigay ng libreng tsinelas at marami pang iba, umabot sa dalawang daan (200) ang nabibiyayaan ng naturang programa. Ginanap ito noong Biyernes Nobyembre 18 dakong alas 3 ng hapon sa pakikipag tulungan at sa pamumuno ni Mrs. Theresa Garcia, Raffy Tabora, Josie Santiago, Alma Cid at mga miyembro nito. Sa gabay at tulong din ng Elementary Principal Simplicio Alba at Rector-President of Letran-Calamba Rev. Fr. Honorato Castigador OP. Ang Layunin nito na mabigyan ang mga bata ng simpleng regalo bago man sumapit ang kapaskuhan dahil ang tunay na diwa ng pasko ay hindi lamang para sa mga bagong damit, masasarap na pagkain kundi ang magbigay ng tulong sa mga kapus palad. Alam naman natin ang tsinelas ang laging suot ng mga bata sa mga pampublikong eskwelahan at ilan sa kanila ang walang magandang sapatos o tsinelas. Hindi ba’t kalimitan sa kanila ay kahit butas na ang talampakan ng tsinelas ay isunusuot pa rin o kaya ay kahit magkabiyak. Panahon na ng kapaskuhan tayo ay MAGBIGAYAN, MAGMAHALAN at ISADIWA NATING ANG TUNAY NA HALAGA NG PASKO!!! (Arlene P. Mariposque)

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Last Updated on Monday, 21 November 2011 05:53



