Inihain na sa Kongreso ang bersyon ng anti-epal bill na naunang inihapag ni Senador Miriam Defensor-Santiago sa mataas na kapulungan.
Ang panukalang batas na magbabawal sa pagpapalabas ng mga pangalan at mga litrato ng mga pulitiko sa kanilang mga proyekto ay inakda ng mga kongresista ng Bayan Muna Partylist na sina Rep. Teddy Casiño at Rep. Neri Colmenares.
Ayon kay Casiño, isa itong paraan upang labanan ang lumalalang political dynasty sa bansa. Subalit duda siya kung maipapasa ito sa Kongreso dahil dominado ito ng mga political clan at dynasty.
Ipinagbabawal sa panukalang batas ang pagpapangalan sa mga incumbent elected public officials at kanilang mga kapamilya at kamag-anak sa mga imprastraktura atn pampublikong pag-aari.
Dagdag pani Casiño na ang ganitong gawain ay panlilimos ng kasikatan at kabantugan upang manatili ang isang pamilya sa kapangyarihan.
Inakda naman ni Kabataan Partylist Rep. Raymond Palatino ang House Bill 4112 o "An Act Declaring As Unlawful Any Government Project To Be Named Or Identified After Government Officials And Other Persons Whose Name Or Identity May In Any Manner Be Associated With Said Officials."
Nasanay na raw ang mga pulitiko na pangalanan ang iba’t ibang government project sa kanilang mga pangalan mula waiting shed, ambulansya at maging basurahan, dagdag ni Palatino. Sa Anti-epal Bill naman ni Santiago sa Senado ay ipinagbabawal maging sa konstruksyon pa lang ng mga kalsada at iba pang government projects ang pangalan ng sinumang incumbent official. – M. PALENTINOS
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph