Isang shuttle bus ang nagliyab sa San Pedro Exit ng South Luzon Expressway nitong Nobyembre 11. Wala namang nasaktan sapagkat tanging ang driver lamang ang nasa bus nang mga panahong iyon. Ilang sandal pa lamang nakakababa ang mga pasahero nang biglang umapoy ang bus. Pinaghihinalaan sa alternator ng bus nagsimula ang apoy. Hindi naman nakaabala sa pangkalahatang trapiko ng nasabing tollway ang pangyayari sapagkat sa pinakalabas na lane ito nagliyab.
Hanggang ngayon ay inaalam pa ang tunay na sanhi ng aberyang naganap sa bus. – M. PALENTINOS
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph