Quezon--- Idineklara ng Department of Health na Category 1 Endemic Province ang lalawigan ng Quezon sa kaso ng filariasis. Ito ay isang uri ng parasitic infection na may maliliit na bulate sa dugo mula sa kagat ng lamok at bumabara sa mga kulani sa loob ng katawan na ang kalimitang naapektuhan ay paa, bayag at suso naman sa mga babae.
Kaugnay nito inilunsad ang mass drug administration na ginanap kahapon sa Quezon Provincial Capitol sa pangunguna ng DOH at ng Integrated Provincial Health Office. Limang taon ang libreng mass treatment sa mga taong may filariais na gagamitan ng Di-ethyl carbamazine citrate (DEC) at albendazole.
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph