Nagbabalala ang Bureau of Food and Drug Administration (BFAD) kaugnay sa mga pekeng gamot na kumakalat sa merkado.
Ayon kay Rowena Tupaz ng BFAD ito ay kumakalat dahilan na rin ng kamahalan ng gamot. Malakin ang kinahaharap na isyu tungkol dito sapagkat kalusugan ng mamamayan ang nakataya. Maaring maging dahilan ito ng paglala ng sakit at umabot sa kamatayan naturang gamot dahil sa maling nilalaman nito.
Malimit na pinepeke ang ilan sa gamot na antibiotics, analgesic, antipyretics, anti-diabetes, antihypertensive, gamot sa sipon at ubo, at uterine stimulant, ayon pa kay Tupaz.
Gayon pa man, patuloy ang pagkakalat at pamimigay ng impormasyon ng BFAD upang mapagbigay alam sa publiko ang kumakalat na pekeng gamot. Samantala, nararapat lamang na bumili ng gamot sa mga sertipikadong tindahan upang makasiguro na hindi counterfeit drugs ang mabibili.
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph