Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

CALABARZON NEWS: Oplan Kaluluwa sa Laguna, Misis Kumuha ng Sustento, Pinagbabaril, Karnaper Huli sa Aktong Ninanakaw ang Motorsiklo ng Pulis

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

Mister Patay sa Pamimingwit

Sta. Rosa Laguna---- Sinalubong ni kamatayan ang isang 30- anyos na mister matapos dumaloy sa kaniyang katawan ang kuryente habang nangunguryente ng isda sa ilog sa Sta. Rosa City, Laguna noong Lunes ng hapon.  Lumitaw sa imbestigasyon na namimingwit ng isda sa ilog ang biktima gamit ang linya ng kuryente na nakakabit sa kanilang bahay. Bandang alas-5:45 ng hapon ng matagpuan ang bangkay ni Paolo Carta na nakalutang sa tubig sa NIA River sa Brgy. Labas.

 


 

 

Karnaper Huli sa Aktong Ninanakaw ang Motorsiklo ng Pulis

San Pedro, Laguna--- Huli sa akto ang isang karnaper habang ninanakaw ang motorsiklo ng pulis sa harapang ng kanyang tahanan sa Barangay San Vicente, San Pedro Laguna  kamakalawa ng umaga.  Nakilala ang suspek na si Rossini Rellamas, 33 ng Brgy. Alabang, Muntinlupa City. Ayon sa ulat ni P/Supt. Kirby Jhon Kraft, hep e ng san Pedro PNP, naaktuhan ni PO1 Aries Lacansandile ng Binongonan PNP ang suspek bandang alas- 10:05 ng umaga na sinususian umano ang kanyang motorsiklo na nakaparada sa harapan ng kaniyang tahanan.

Samantala, nasamsam mula sa suspek ang siyam na piraso ng susi, socket wrench at bakal na may anim na pulgadang haba.

 


 

 

Misis Kumuha ng Sustento, Pinagbabaril

Quezon--- Walang awang pinagbabaril ang isang misis ng mga di-kilalang lalaki sa Sito Siliw, Barangay Manggahan sa bayan ng Dolores, Quezon kamakalawa ng umaga.  Ang biktima ay nakilalang si Eden Valdez, beautician kasalukuyang naninirahan sa Isabela. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, kukunin ng biktima ang sustento ng kanyang mister na sundalo na nakabase sa Caliraya, Laguna nang harangin at pagbabarilin ng mga suspek. Patuloy pa ring inimbestigahan ang insidente.

 

 


 

 

Estudyante Nasagasaan, Pisak

Cavite--- Pisak ang katawang ng isang 12-anyos na elementary student matapos masagasaan ng pampasaherong jeepney sa Aguinaldo Highway sa Barangay San Agustin 1, Dasmarinas City, Cavite kamakalawa ng hapon. Napagalaman na tumatawid ang bata ng biglang salpukin ng sasakyan. Hindi na umabot na buhay ang batang si John Robert Guillera sa Asia Medic Hospital habang nakatakas naman ang drayber ng jeepney (DVX 404) na nakilala na lamang sa alyas Tanonong.


 


"Oplan Kaluluwa", Inilunsad sa Calamba

Calamba City--- Bilang paghahanda sa nalalapit na undas, inilunsad ng pamahalaang lungsod ang task force “Oplan Kaluluwa”  sa pakikipagtulungan ng Sangguniang Panglungsod, pulisya, barangay at iba’t ibang samahang sibiko at radio groups.

Sila ang gagabay at aalalay sa mga taong dadalaw sa puntod ng kanlang mahal sa buhay. Hinihingi rin ang pakikiisa ng bawat isa upang makipagtulungan at sumunod sa patakaran upang maging mapayapa ang “Araw ng Kaluluwa”.


Isasara ang gate ng Holy Family para sa mga sasakyan gayundin ang gate ng Rizal Memorial kung saan ang mga sasakyang dadaan sa Barangay 5 ay hanggang kanto lamang. Mahigpit rin ipinagbabawal ang pagdadala at pagtitinda ng inuming nakakalasing, paggamit ng videoke at pagdadala ng anumang uri ng patalim at baril sa loob ng sementeryo.  Ipinahahatid din sa lahat na huwag ng magdala ng sasakyan ang sinuman dahil hindi papayagang pumarada sa kahabaan ng Chipeco Avenue ang lahat ng uri ng sasakyan at walang parking area para dito.  Samantala, sa mga magtitinda, hindi dapat ito makahadlang sa daloy ng trapiko at sa lalakaran ng tao.

 

 

logo


CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER