SAN PABLO CITY, Laguna-- Humakot ng mga parangal ang mga mag-aaral ng San Pablo City Science High School sa iba't ibang regional mathematics and science competitions kamakailan. Naging top scorer sa Rehiyon IV-A si Diana Jean Guinto (individual category) sa Philippine Science Olympiad na ginanap kamakailan sa Colegio de San Agustin. Nagkamit din ng unang puwesto (1st place) ang grupo nina Matthew Arellano at Ella Gahuman sa Science High School Regional Level.
Nasa ikatlong puwesto (3rd place) naman ang grupo nina Diana Jean Guinto at Edsel Bondad sa Southern Tagalog Invitational Mathematics Challenge na ginanap noong Setyembre 6 sa UP Los Banos. Top scorer si Harvey Salazar.
Nakuha rin nila ang ikatlong puwesto sa Regional Science Fair na ginanap sa Pedro Guevarra National High School sa Sta. Cruz, Laguna noong Setyembre 17 sa Life Science Category (research) at ikalawang puwesto (2nd place) sa Applied Science. Noong Setyembre 24, nakamit nila ang ika-pitong puwesto (7th place) sa national level ang SPCSHS na ginanap sa punong tanggapan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa UP Diliman Campus.
Lubos ang pagmamalaki at pagpapahalaga ng pamahalaang lungsod ng San Pablo, Laguna sa mga naging coach ng mga kabataang ito. Sila ay sina Albert Saul (Math coach), Venus Endozo (Science coach) at Ruby Mendoza (Rersearch coach).
Ang SPC Science High School na isa sa mga legacy project ni Mayor Vicente Amante ay itinayo noong taon 2005 upang mabigyan ng mataas na kalidad ng edukasyon ang mga mahihirap na estudyante na nasa upper 10 porsyento ng graduating class sa elementary. (NDS-PIA4A// Arlene P. Mariposque)
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph