Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

PAG-UURI SA MGA PUNONG KAHOY SA SPCWD, ISINAGAWA

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

SAN PABLO CITY, Laguna-- Naisagawa na ang pag-uuri at pagkakakilanlan ng mga punong kahoy sa watershed ng San Pablo City Water District (SPCWD) bunga ng tuwirang pakikipag-ugnayan ni City Environment and Natural Resources Officer Ramon R. de Roma sa tanggapan ng Ecosystem Research and Development Bureau (ERDB) ng Department of Environment and Natural Resources, sa pangangasiwa ni Direktor Lope A. Calanog.


Layunin ng klasipikasyon at identipikasyon na malagyan ang bawa’t puno ng tag na magsasaad sa karaniwang katawagan (common name) at siyentipikong katawagan (scientific name) nito.  Layunin din nito na maisagawa ang ganap na imbentaryo ng mga punong kahoy at magabayan ang mga nangangasiwa at nangangalaga pati na rin ang mga mananaliksik na dumadalaw sa lugar.

Ayon kay de Roma, ang ERDB ay nagsagawa rin ng pag-aaral upang maging tuluy-tuloy ang pagpapatag sa bahagi ng watershed na batuhan na kinakailangan sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga damo at baging ay unti-unting magkaroon ng soil covering hanggang sa ito ay magawang tubuan ng punong kahoy upang mapangalagaan ang katatagan at hustong suplay ng tubig sa mga bukal sa laylayan ng watershed. Naniniwala ang mga siyentista na sa tulong ng maayos na pangangasiwa, ang batuhang lawak ng watershed ay magiging luntian sa paglipas ng panahon.
Samantala, nabatid na itinutuloy ng pangasiwaan ang paglalagay ng karagdagang foot rail o serye ng mga baytang na yari sa semento upang magsilbing daan ng mga tauhang nangangalaga kabilang na rin ang mga kagawad ng iba’t-ibang kilusan na nakikipagtulungan sa pagtatanim at pangangalaga ng mga puno sa lugar ng watershed.

Ang pagsasagawa ng foot rail ay siyentipiko sa dahilang ito ay nakatutulong upang maiwasan ang mga pagguho ng lupa o pagpigil nito sa mga kaburulang sakop ng watershed. Nakatutulong din ito sa pagpapatatag ng kapaligirang pinagmumulan ng malinis at ligtas na tubig para sa pamayanan. (ACO PIA // Arlene P. Mariposque

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph 

DISCLAIMER