Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

SUSPEK SA PAGPATAY SA ESTUDYANTE NG UPLB, NASAKOTE; INDIGNATION RALLY, ISINAGAWA

  • PDF
User Rating: / 1
PoorBest 


LOS BAŇOS, LAGUNA. Nasakote na ng PNP-CIDG ang mga suspek sa karumal-dumal na pagpatay sa 3rd year BS Computer Science student ng University of the Philippines- Los Baños (UPLB) na si Given Grace Cebanico noong Miyerkules ng gabi. Kinilala ang mga suspek na sina Percival De Guzman alyas “Totoy” na isang tricycle driver na pumipila sa may FO Santos St. at si Lester Ivan Lopez Rivera na isang security guard ng PS Bank Bay, Laguna branch.


Natagpuan si Rivera na nagtatago sa Floridablanca, Pampanga. Samantala, natagpuan naman si De Guzman nang hulihin ng mga tanod ng Barangay Batong Malake ang suspek na may kinursunada na batang may diperensiya sa pag-iisip kung saan natagpuan sa kanya ang iPhone ng biktima. Ang ikatlong suspek naman ay ginawang witness nang sabihin niya sa mga kinauukulan ang pagkakakilanlan ng mga suspek, kung saan binanggit rin niya na kasama dapat siya sa nasabing krimen.


Isang indignation rally naman ang isinagawa ng Student Organization and Activities Division (SOAD) ng Office of the Student Affairs ng UPLB para kay Given kaninang ika-12 ng tanghali. Sa pahayag ni Narciso Panganiban III, University Student Council (USC) Councilor at Volunteer Corps Head, ang nangyaring krimen sa isang estudyante ng UPLB ay silbing aral sa mga kinauukulan ukol sa seguridad ng mga mamamayan. Gayundin, ipapanukala ng USC ang pagsusulong sa pamunuan ng UPLB na paigtingin ang seguridad at checkpoint sa loob ng pamantasan upang masiguro ang kaligtasan ng bawat mag-aaral ng unibersidad. Nagpapasalamat naman si G. Mark Lester Chico ng SOAD sa lahat ng mga dumalo ng indignation rally, patunay na hindi nag-iisa si Given sa pakikipaglaban para sa seguridad ng buong komunidad.---JM JOSE


CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER