PILA, LAGUNA-----ISANG Magsasaka ang tinamaan ng matalim na kidlat, habang gumagawa sa kanyang bukid, ang nasawi, habang kalakasan ang ulan sa Barangay Concepcion, Pila, Laguna, kahapon. Ayon kay Police Chief Inspector Owen Lizardo Banaag, Hepe ng Pila Laguna Municipal Police Station ang insidente ay naganap dakong ika-12:10 ng tanghali. Kinilala ni Chief Inspector Banaag, ang biktima na si; Romulo Figuracion y Matienzo, 49 na taong gulang, binata, magsasaka, residente ng Barangay Pook, ng nasabing bayan.
Ayon sa nakalap na impormasyon ng pulisya, nabatid na habang kalakasan ng ulan sa lugar na nabanggit, ay gumagawa naman sa kanyang bukid ang biktima.
Bigla na lamang gumuhit ang matalim na kidlat, at tumama sa kanya. Na naging dahilan ng maaga nitong kamatayan.
Laking gulat pa ng mga kasamahan niya ng marinig ang malakas na tunog ng kulog, sabay bagsak ng maliwanag na bagay na tumama sa biktima.
Bagsak ang biktima na wala ng buhay, dinala ng mga awtoridad ang bangkay nito sa Surbano Funeral Parlor para iawtopsiya, habang hinihintay ang pagdating ng mga kamag-anakan nito. (Arlene P. Mariposque)
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph