MAGKALAGUYO INIREKLAMO NG GINANG DAHIL SA KAPABAYAAN SA PAMILYA
- Wednesday, 12 October 2011
CABUYAO, LAGUNA-----INARESTO ng mga kagawad ng Southville Integrated Barangay Volunteer (IBVB) sa pamumuno ni Audie Manaoag ang magkalaguyo, dahil sa reklamo ng isang ginang na nagsampa ng kasong Concubinage sa korte.
Kinilala ni Police Supt. Armel Gongona, hepe ng Cabuyao Police Station ang dalawang inaresto na sina; Ronaldo San Jose y Dela Cruz, 43 taong gulang, may-asawa, karpintero, at Alicia Prado y Alde, 33 taong gulang, hiwalay sa asawa, walang hanapbuhay, pawing nakatira sa # 103 Purok 2, Barangay Marinig, Cabuyao, Laguna.
Ang nagreklamo namang ginang ay si; Genevie San Jose y Beceda, 41 taong gulang, asawa ni Ronaldo, housemaid, resident eng Block 1, Lot 146 Southville, Barangay Marinig, Cabuyao, Laguna.
Sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Bebilyn Domingo, ganap na ika-8:45 ng gabi ng arestuhin ng mga Barangay ang magkalaguyo sa tinitirahan nitong tahanan.
Ayon sa pagsisiyasat ni PO2 Domingo kay Genevie, nabatid na noon pang buwan ng Nobyembre 2010, nagsama ang dalawa bilang magkalive-in at namuhay ng parang tunay na mag-asawa. Mula noong buwan ng Nobyembre ay pinabayaan na ni Ronaldo ang tunay nitong asawa na nagging dahilan ng pagsasampa nito ng reklamo sa tanggapan ng Barangay Marinig, Cabuyao, Laguna.
Agad namang naaresto ng mga Barangay ang dalawang inirereklamo at itinurn-over ito sa Cabuyao Municipal Police Station at nakatakdang sampahan ng kasong “Concubinage at Violation of RA 9262”sa tanggapan ng korte. (Arlene P. Mariposque)
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
DISCLAIMER