NAGPATIWAKAL, DAHIL SA SAKIT NA MEMORY BREAK DOWN
- Wednesday, 12 October 2011
KAMPO HENERAL PACIANO RIZAL, STA. CRUZ, LAGUNA-----ISANG Lalaki ang nagpatiwakal, dahil sa matagal na nitong ini-inda ang kanyang sakit na “Memory Break Down” na naganap sa Barangay Kabulusan, Pakil, Laguna, kahapon.Kinilala ni Police Chief Inspector Rolando Jamon, Hepe ng Pakil Municipal Police Station ang biktima na si; Romeo Loayan y Guhuting, alyas Romy, 47 taong gulang, may-asawa, at residente ng Sitio Balite, Barangay Banalan, ng nasabing bayan.
Sa imbestigasyon ni PO2 Anthony Francisco, nabatid na natagpuan ang bangkay dakong ika-3:20 ng hapon, ng anak nitong si Jeffrey Loayan na nakabigti at nakasabit sa kisame ng kanilang bahay, gamit ang isang matibay na kawad.
Agad na humingi ng tulong sa kanyang mga kamag-anak ang anak ng biktima na siya namang tumawag sa himpilan ng Pakil Municipal Police Station, at agad na nagresponde ang mga awtoridad.
Napag-alaman pa sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, na ikalawa na umano itong pagpapakamatay ng biktima, noong Una ay nito lamang buwan ng Agosto taong kasalukuyan, subalit naagapan din ng pamilya nito.
May nakuha pang Suicide Note ang mga awtoridad at nakasaad ang mga katagang “Pasensiya ka na, hindi ko na matiis ang sakit na dulot ng Memory Break Down”. Dinala ang bangkay ng biktima sa ildefonso funeral homes sa Mabitac, Laguna, para iawtopsiya, habang nagdadalamhati naman ang naiwan ng biktima.(Arlene P. Mariposque)
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
DISCLAIMER