ISANG ESTUDYANTE NASAGASAAN, PISAK ANG KATAWAN
Quezon--- Halos mapisak ang katawan ng isang estudyante sa kolehiyo matapos masagasaan ng dump truck sa Maharlika Highway, Barangay Malabanban Norte sa bayan ng Candelaria, Quezon kamakalawa ng gabi.
Nakilala ang estudyante na si Lady Roan Tolpo, 18, 4th year sa Manuel S. Enverga Foundation Candelaria Branch at nakatira sa Brgy. Mangilag Sur. Ayon sa ulat ng pulis naganap ang krimen dakong alas 9:30 ng gabi habang nakaangkas ang biktima sa motorsiklo ng kanyang kaibigan ng salpukin ng truck sa likuran. Tumilapon ito mula sa motorsiklo saka sinasagaan ng truck na minamaneho ni Rolando magnaye ng Sariaya, Quezon. Samantala, tumakas ang drayber ng truck maging ng motorsiklo.
1 PATAY, 6 SUGATAN SA KARAMBOLA NG SASAKYAN
Antipolo City, Rizal--- Isa ang nasawi habang siyam naman ang sugatan sa karambola ng anim na sasakyan sa Maharlika Highway sa Barangay Mayamot, Antipolo City, Rizal kamakalawa ng hapon.
Namatay si Leonel Andres, 33 ng Sitio Paenaan, Pinugay, Baras, Rizal habang ginagamot sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center. Sugatan naman sina Benjie Buenaflor,34; Reynald Espinosa, 49, ng San ysidro, Antipolo City; Rosal Tomelden, 48; Rita Tomelden, 52; mildred Rio, 42; arnulfo San Luis, 29; Joy Nacario,39; Leobert Andres, 31; at Ernesto Ricafort Jr.
Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Roy Panotes, nawalan ng preno ang isa sa anim na sasakyan kaya naganap ang insidente.
ALAGAD NG BATAS DI NA MAPIGILAN ANG MODUS OPERANDI NG AKYAT BAHAY GANG
Cavite--- Natagpuang wasak ang pintuan ng bahay ng isang overseas Filipino Worker sa kilalang subdivision sa Barangay Sabang, Dasmarinas, Cavite makaraang looban umano ito ng Akyat-Bahay Gang kamakalawa ng gabi.
Nabatid na iniwan ni Leonora Morandante ang kanyang tahanan sa Greensborough Subd. Noong Linggo ng hapon (Okt.2) para bisitahin ang kanyang anak sa Paranaque City. Makalipas ang 5 araw ay umuwi na si Morandante subalit bumungad sa kanya ang wasak na pintuan ng kanyang bahay kung saan nawawala ang mga mamahaling gamit at cash. May teorya ang pulisya na may kasabwat na ilang kapitbahay ang grupo ng mga kawatan na sinusubaybayan ang kilos ng biktima.---MJ PEDRAJA

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph