Inulat ng Bureau of Internal Revenue na kapos ng P7-B piso sa target nilang tax collection sa unang walong buwan ng taon.
Ayon kay BIR Commisioner Kim Henares, ito ay dahil sa mabagal na paggastos ng gobyerno sa mga infrastructure at iba pang serbisyo. Sa target na P627.1-B ay P619.7-B lamang ang nakolekta ng BIR o kakulangan na 1.2% porsyento.
Subalit masmataas naman raw ito ng P73.3-B sa naging koleksyon sa parehong panahon noong isang taon. Ayon sa ilang mga nasa BIR, ito rin ay resulta ng pag-iingat ng pamahalaan na huwag mapunta sa kurapsyon ang pera ng gobyerno.
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph