Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

285 NA MGA GURO AT ESTUDYANTE SA STA. ROSA CITY LAGUNA, NALASON SA KINAIN SA SM

  • PDF
User Rating: / 1
PoorBest 

STA. ROSA CITY LAGUNA-----UMAABOT sa bilang na 285 na mga guro at mga mag-aaral ng lunsod ng Sta. Rosa ang nalason sa isinerved na pagkain sa mga ito kahapon sa ginanap na pagdiriwang ng Teachers Day sa Event Center ng SM City Sta. Rosa, Laguna.

Kasalukuyan pang inaalam ng mga doktor sa Sta. Rosa City Community Hospital, kung saan nalason ang mga biktima, na sinasabing Pansit, Spagetti , at Chop Suey lamang ang kinain ng mga ito sa nasabing pagdiriwang ng araw ng mga guro.  Marami rin sa mga biktima ang ayaw magpagamot sa nasabing pagamutan dahil sa kahirapan ng buhay at kakapusan ng budget sa kani-kanilang mga tahanan, kaya sa bahay na lamang gumawa ng paraan ang ibang mga biktima dito.

Nangako naman si Sta. Rosa City Mayor Arlene B. Arcillas sa mga naging biktima na tutulong siya sa abot ng kanyang makakaya, para lamang mailigtas ang buhay ng maraming mga guro at mag-aaral sa lunsod na nalason sa inihandang pagkain para sa pagdiriwang ng araw ng mga guro noong Miyerkules.

Marami na rin sa mga biktima ang nalapatan na ng lunas ng mga manggagamot, ngunit hindi pa nila matiyak kung ano ang nakalason sa mga ito, patuloy pa ring inaalam ng mga doktor kung ano ang sanhi ng pagkalason ng mga biktima.(Arlene P. Mariposque) 


CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph 

DISCLAIMER