STA. CRUZ LAGUNA-----INARESTO ng mga awtoridad at mga Barangay ang isang Lalaki na naglaro ng ari nito at binabati na iniharap pa sa isang ginang at anak nito kahapon ng hapon, sa lugar ng Teodoro Street, Barangay Poblacion 1, Sta. Cruz, Laguna.
Kinilala ni Police Supt. Chito Bersaluna, Hepe ng Sta. Cruz Laguna Municipal Police Station ang suspek na si Arnold Folloso y Dael, 48 taong gulang, may-asawa, residente ng lugar na nabanggit.
Ang nagreklamo namang ginang ay nakilalang si Rhynalyn Feliciano y Magno, 30 taong gulang, residente ng Sitio 1, Barangay Patino, ng nasabing bayan.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na dakong ika-3:00 ng hapon, habang kalakasan ang pagbuhos ng ulan ay sumilong ang biktimang si Feliciano at anak nitong 3 taong gulang sa isang karinderya, para magpatila.
Bigla na lamang umanong lumapit sa ginang ang suspek na hawak nito ang kanyang ari at binabate, napasigaw ang nasabing ginang sa nakita, kaya naman tumawag sa himpilan ng pulisya at Barangay ang may ari ng karinderya.
Mabilis namang nagresponde ang mga awtoridad pati na ang mga Barangay Officials sa Barangay Poblacion 1, Sta. Cruz, Laguna at agad na inaresto ang nasabing suspek.
Kasalukuyan ng nakakaulong sa Sta. Cruz Laguna Municipal Jail si Folloso, habang inihahanda naman ng pulisya ang papeles ng demanda na ihaharap sa korte na may kasong Immoral/Exhibition Acts.(Arlene P. Mariposque)
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph