Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

TAONG GRASA, NATAGPUANG PATAY SA KALSADA

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 


FAMY, LAGUNA-----NATAGPUANG Patay ang isang taong grasa sa gitna ng kalsada, na hinihinalang gutom ang pangunahing dahilan ng pagkamatay nito, kaya tumimbuwang sa paglalakad sa Barangay Balitoc, Famy, Laguna kahapon ng tanghali.

Ayon kay Police Inspector Vener I. Hugo, Hepe ng Famy Municipal Police Station, ganap na ika-12:15 ng tanghali, nang itawag ng mga Barangay Official sa kanilang himpilan ang natagpuang bangkay sa kalsada.


Lumilitaw sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Arnulfo Mendoza, na huling nakita ang taong grasa sa may punong saging,  kung saan doon umano ito nagpapalipas ng maghapon sa paglalakad nito.  Ayon pa kay PO2 Mendoza, lagi umanong binibigyan ng pagkain ng mga residente sa lugar ang taong grasa, ngunit nagtataka umano ang mga nakatira sa Barangay Balitoc, kung bakit natagpuang patay ito sa kalsada.

 

Hinala ng maraming residente ng lipas gutom ang pangunahing dahilan na siyang ikinamatay ng nasabing taong grasa, na habang sinusulat ang balitang ito ay hindi pa rin nakikilala ang nasabing bangkay. (Arlene P. Mariposque)


CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER