Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

P1,000 CHALK ALLOWANCE, GARANTIYA NG DEPED SA MGA GURO

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

Matapos magkaroon ng chalk holiday ang mga guro sa pampublikong paaralan, sinabi ng Department of Education (DepEd) na itataas nila sa P1,000 ang chalk allowance para sa kanila.  Ito ang iniulat ni DepEd Secretary Armin Luistro sa mga gurong nagreklamo sa kakulangan sa mga kagamitang panturo tulad ng chalk at iba pa.


Sa kasalukuyan ay mayroon P700 allowance sa chalk at instructional materials sa buong taon ang mga guro. Inihahabol ngayon sa pagtalakay ng budget ang P300 pagtaas sa pangangailang ito ng mga guro.


Hirit naman ng Alliance of Concerned Teachers Partylist na kapos pa rin ang idinagdag na badyet para sa kanila. Hiling nila sa kanilang calk holiday ay P2,000 na chalk allowance, kalhati lamang ang ibinigay sa kanila ng pamahalaan.

Kung susumahin raw ay gumagastos lamang ang pamahalaan ng P3.50 sa kasalukuyang bawat school day sa chalk, manila paper, at iba pang instructional materials.

 


 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph 

DISCLAIMER 

Last Updated on Wednesday, 05 October 2011 06:05