Nahalal na bagong General Manager ng laguna Lake Development Authority si Nereus Acosta, isang natalong senador sa tiket ng Pangulong Benigno Aquino III. Tinatayang magiging mahirap ang iiwanang trabaho sa kanya ng pinalitan niyang si Rodrigo Cabrera dahil siya ang magpapatuloy sa Laguna Lake Master Plan na mayroong 54 sub-projects sa ilalim nito.
Pangangalagaan ngayon ni Acosta ang 94,900 ektaryang lawa na pangunahing problema ang mataas na estrogen content na nagsasanhi ng mataas na bilang ng mga babaeng karpa sa mga fish fences. Sasagupain niya rin ang P18.7-B laguna Lake Rehabilitation Project na nauna ng binatikos ni Pangulong Aquino.
Ang Laguna Lake ay potensyal na kuhanan ng freshwater ng mga naninirahan sa Metro Manila at CALABARZON Region.
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph