Hindi nakaligtas ang mga mayari ng fishpen sa paligid ng Taal Lake sa hagupit ng bagyong si Pedring sa bansa partikular sa lalawigan ng Batangas. Ito ay matapos kumpirmahin ng Vice Governor ng lalawigan na si Mark Leviste na muling nagkaroon ng paglutang ng mga patay na isda samga palaisdaan sa paligid ng Taal.
Umabot sa mahigit na limangput dalawang toneladang mga patay na tilapia at bangus ang mabilis na iniahon sa pangunguna ng task force ng probinsiya at ng mga mangingisda. Ayon pa kay Leviste mabilis na nailibing ang mga patay na isda upang mawalan ng pagkakataon ang mga mapanamantala na maibenta pa ito sa mga pamilihan at upang huwag ng magkaroon ng pangamba ang publiko. Matatandaang naitala sa lalawigan ng batangas ang malawakang fishkill sa kasaysayan kung saan naapektuhan ang marami nating mga kababayan na umaasa lamang sa mga palaisdaan. Hinihinalang dahil sa kakulangan ng oxygen at sa malakas na pagulan dala ni bagyong pedring kaya nagkaroon ng fishkill- CJ ALCANTARA

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Last Updated on Saturday, 08 October 2011 12:19