Sa tala ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council o PDRRMC tanging sa bayan lamang ng Sta Cruz Laguna ang naapektuhan ng bagyong Pedring, partikular sa Brgy. Santisima na pinakamalaking Barangay sa Sta. Cruz at pinakamalapit din na barangay sa lawa ng Laguna.
Umabot sa isang daan at dalawangput limang pamilya o katumbas ng limang daan at dalawangput limang katao ang nakaranas ng tubig baha sa kanilang tahanan kaya naman nuong kasagsagan ng bagyong Pedring ay sapilitan silang inilikas at dinala sa evacuation center na matatagpuan sa Santisima Elementary School at old barangay hall ng nasabing barangay.
Ayon kay Brgy Chairman Danilo Tagle ng Brgy. Santisima kahit nakalabas na ng bansa si bagyong pedring ay tatagal pa raw ng isa hanggang dalawang linggo bago tuluyang mawala ang tubig baha sa kanilang lugar. Ito ay batay na rin aniya sa kanilang karanasan sa tuwing nakakaranas ng sama ng panahon ang lalawigan sa katunayan ng binayo daw sila ng bagyong ondoy umabot ng tatlong buwan bago tuluyang naglaho sa kanila ang tubig baha. Dagdag pa ni Kapitan masyado na daw mababaw ang lawa ng laguna kaya mabilis na itong umapaw kapag malakas ang ulan sa tuwing may bagyo.
“ang lawa po natin ay masyado ng mababaw kaya po ang tubig ay imbis na pumalaot ay pabalik na po ang nangyayari di na makalusot”
Kaya naman nananawagan sila sa Pangulong Noynoy Aquino na pahintulutan ng ituloy ang rehabilitation project ng lawa ng Laguna upang maibsan na ang kanilang suliranin sa tubig baha sa tuwing may bagyo. “Kami po ay nanawagan sa kagalang galang na Pangulong Noynoy Aquino na sana ay pahintulutan niya o lagyan niya ng budget ang lawa ng Laguna upang sa ganun po ay mahukay at lumalim alang alang po sa mga taga Laguna higit sa lahat sa mga taga Brgy Santisima po.” Pahayag ni Chairman Dagle--- CJ ALCANTARA
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph