Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

BANGKAY NG BEAUTICIAN, NATAGPUAN SA LOOB NG PARLOR NA NAKABITIN

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

NAGCARLAN, LAGUNA-----ISANG Bangkay ng Beautician ang natagpuan nakabitin sa steel bar na sinasabing nagpatiwakal dahil lamang sa problema nito sa pag-ibig, na naganap sa Rizal Avenue, Barangay Poblacion II, Nagcarlan, Laguna.  Kinilala ni Police Chief Inspector Jesson Bombasi, Hep eng pulisya rito ang biktima na si; Alberto Sombilla y Crisostomo, 28 taong gulang, resident eng Barangay Banago ng nasabing bayan.

Sa imbestigasyong isinagawa ni PO2 Bienvenido Burgos Jr., nabatid na dakong ika-10:00 ng umaga natagpuan ang nasabing bangkay ng isa s mga kasamahan ng biktima na ayaw magpabanggit ng pangalan.  Nang itawag sa pulisya ang pangyayari ay nataguan pa ng imbestigador ang isang liham na nagsasaad na problemado ang biktima sa pag-ibig, kaya ito nagpakamatay.

Ang biktima ay beautician sa parlor na pag-aari ni Sally Irlandez, residente ng nasabi ring lugar at matagal na umanong nagtatrabaho rito si Sombilla, ng matagpuan itong patay at nakabitin pa sa kisame ng parlor.  Dinala ng mga awtoridad ang bangkay ng biktima sa D & E Funeral homes para i-awtopsiya, habang patuloy pa ring inaalam ng mga awtoridad kung ano pa ang ibang karagdagang detalye at nagpakamatay ito. (ARLENE P. MARIPOSQUE)

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER