Lucena City, Quezon- Dalawang mangingisda na pawang taga barangay Manlapong, San Narciso at isang taga Alabat sa bayan ng Quezon ang nawawala matapos magtanggal ng baklad at hindi na nakabalik sa kanilang tahanan bandang alas otso kahapon ng umaga.
Patuloy ang isinasagawang search and rescue operation ng MDRRMC ng San Narciso upang hanapin ang dalawang mangingisda. Ayon sa ulat ng tanggapan ng Provincial Disaster Reduction and Management Council (PDRRMC), nakilala ang tatlong mangingisda na sina Fernando Eliran, 32 taong gulang; Isidro Real, 31 taong gulang at si Eddie Morpe na nawawala na bandang alas singko ng umaga.
Samantala, ligtas na sa panganib ang 12 pasahero ng mga fishing boat na Sydney at Ice Jade sa pinagsamamang puwersa ng water search and rescue team ng General Luna at Macalelon, Quezon matapos magkaroon ng mechanical problem ang sinasakyang Bangka habang naglalayag sa karagatan. Sa ngayon wala pang naiulat na namatay sa lalawigan sa pananalasa ng bagyong Pedring.
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph