Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

CALABARZON NEWS: MINIBUS NAHULOG SA CREEK SA CAVITE, CARNAPPER ARESTADO SA BATANGAS

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

Cavite--- 10 katao ang naiulat na nasugatan matapos  mahulog ang isang mini bus sa creek sa Island Cove Road sa Barangay Aplaya sa bayan ng Kawit, Cavite kamakalawa ng gabi.

Lumitaw sa imbestigasyon na nawalan ng control ang manibela na minamaneho ni Alfred Feria matapos nitong iwasang mabangga ang sinusundang sasakyan kaya nahulog ito sa creek.  Dahil dito, nagtamo ng mga sugat at pasa sa katawan ang mga biktima at agad naman isinugod sa ospital. Arestado naman ang drayber ng bus na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple physical injuries.

 



Batangas--- Bumagsak sa kamay ng pulisya ang walong miyembro ng carnapping gang matapos madakma sa inilatag na operasyon sa Barangay Darasa, Tanauan City, Batangas noong Sabado ng madaling-araw.

Sumasailalim na sa tactical interrogation ang mga suspek na sina Jun Mendoza, 38, lider ng 60 Minutes Gang, may-ari ng junkshop; Oliver Ducosin, 29; Hernel Evangelista, Mark Quijano, 33; Bernardo Aputar, 35; Romy Bacuto, 47; Roger Navales, 39; at si Maria Teresa De Leon, 39.

Ayon sa police report, ang grupo ni Mendoza ang responsable sa mga carnapping sa Calabarzon region at Metro Manila habang tugis naman ang isa pang kasamahang si Melvin Estrada. 

 


 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER