GUMACA, Quezon -- Inaasahang may 1,000 na mahihirap na tao sa bayang ito ng ika-4 na distrito ng Quezon, ang makikinabang sa isasagawang "Libreng Gamutan" sa Setyembre 24, 2011 na inorganisa ng Confederation of Active Media Practitioners Organization (CAMPO) Inc. bilang handog sa kanilang unang taong anibersaryo ng pagkakatatag noong Setyembre 1.
Kaalinsabay ng gaganapin gamutan ay magkakaroon din ng pagbibigay impormasyon at kaalaman sa mga mamamayang makikilahok sa nasabing proyekto ang grupo ng mga media at kapulisan na nauukol sa kalusugan, katahimikan at kaayusan ng lugar partikular ang pangangalaga sa ating kapaligiran at kalikasan.
Layunin ng isasagawang programa na matulungan ang ating mga kababayan sa aspetong medikal at kalusugan na malaking kapakinabangan para sa ating mahihirap na mamamayan.
Kaisa sa nasabing proyekto ang pamahalaang lokal ng Gumaca, Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), PNP Regional Office-Calabarzon sa pamumuno ni PCSupt. Gil C. Meneses at Quezon Provincial Police Office (QPPO) sa pamumuno ni Supt. Atty. Erickson T. Velasques at iba pa. (NDS, PIA-Calabarzon)// Arlene P. Mariposque
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph