5 ARESTADO SA ILLEGAL GAMBLING ACTIVITIES SA LAGUNA
- Sunday, 18 September 2011
SAN PEDRO LAGUNA-----LIMA katao agad, ang sunod-sunod na naaresto ng mga kagawad ng pulisya sa bayan ng San Pedro, Laguna, kaugnay sa isinasagawang paghihigpit sa nagkalat na illegal gambling activities sa Lalawigan ng Laguna.
Sa panayam na isinagawa ng pahayagang ito kay Police Supt. Kirby John B. Kraft, Hepe ng pulisya sa San Pedro Laguna, sinabi nitong matapos na magpalabas ng kautusan si CALABARZON Police Regional Director Chief Supt. Gil Meneses, kaugnay sa nagkalat na illegal gambling activities ay mabilis silang umaksiyon.
Unang naaresto si; Edward Delos Santos y Rivera, 21 anyos, binata at residente ng Maligaya 1, Pacita 1-B, ng Barangay San Vicente, San Pedro Laguna, na nag-ooperate ng Color Game sa Pacita Complex.
Sumunod ay narekober naman ang dalawang unit ng slot machines "Fruit Games" sa tahanan ng mga Maintaner na sina; Joseph Pastinio, ng Block 2 Lot 13 Southville 3-A, at Ma. Susan Conse, ng Block 2 Lot 32 Southville 3-A, sa Barangay San Antonio, San Pedro, Laguna. pawang mga nakatakas bago pa dumating ang mga awtoridad.
Inaresto rin ang mga naglalaro ng Cara y Cruz na sina; Dennis Garan y Atazar, 26, may-asawa, residente ng # 15 Anthurium Street, Camella Homes, Barangay Cuyab at Ariel Alingato y Agulto, 35, binata, residente ng Block 4 Lot 5 Olivarez Compound 2, Barangay San Roque, San Pedro, Laguna, pawang trysicle driver.
Ang lima katao ay naaresto ng grupo ni; Police Senior Inspector Jaime Federio Jr., ng Intelligence Division ng San Pedro Laguna Police Station sa ginawa nitong pag-iikot sa bayang nabanggit.
Si Delos Santos ay nahaharap sa kasong paglabag sa Violation of PD 1602 (Color Game), Sina Pastinio at Conse naman ay kasong paglabag sa Violation of PD 1602 (illegal slot machines "Fruit Games"), sina; Garan at Alingato ay kasong paglabag sa Violation of PD 1602 (Cara y Cruz) na lahat ay nakapaloob sa illegal Gambling activities "Violation of PD 1602" na ipinatutupad ngayon sa Lalawigan ng Laguna. (Arlene P. Mariposque)
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
DISCLAIMER