BRANCH HEAD NG PR GAS, PINAGNAKAWAN
- Sunday, 18 September 2011
SAN PEDRO, LAGUNA-----PINAGNAKAWAN ng hindi nakilalang suspek ang isang Branch Head ng PR Gas at Gasul sa lugar ng Unit 26-B Pacita Avenue, Barangay San Vicente, San Pedro Laguna.Kinilala ni Police Supt. Kirby John Kraft, hepe ng pulisya sa San Pedro Laguna ang biktima na si Christina Predicala y Gadingan, 28 taong gulang, may-asawa, residente ng Block 42 Lot 31-33 Barangay Landayan, ng nasabing bayan.
Lumilitaw sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Samuel Rebancos, na dakong ika-7;15 ng umaga, ng madiskubre ng biktima na siya ay pinagnakawan.
Nabatid ng pulisya sa imbestigasyon na sinira ang padlock sa likurang bahagi ng pintuan at winasak ang drawer ng kabinet na naglalaman ng halagang P3, 417.00 at isang Cellphone na Samsung.
Patuloy pa ring inaalam ng mga awtoridad, kung sino ang suspek na nagnakaw sa tindahan ng nasabing ginang, habang patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente.(Arlene P. Mariposque)
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
DISCLAIMER