Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

LALAKING NAGBEBENTA NG RETAIL NA KRUDO, NAG-IINGAT NG DILG ID AT CIDG T-SHIRT, INARESTO NG CIDG4A

  • PDF
User Rating: / 1
PoorBest 

CAMP VICENTE LIM LAGUNA-----INARESTO ng mga kagawad ng Criminal Investigation and Detection Group 4A (CIDG4A) ang isang Lalaki na nag-iingat ng DILG I D, CIDG T-Shirt at iba pang mga dokumento na nakuha ng mga awtoridad sa bag nito, na naaresto sa Barangay Banlic, Cabuyao, Laguna, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Police Sr. Supt. Edwin Jose Nemenzo, Regional Chief ng CIDG4A  ang naarestong suspek na si Mervin Sulit y Lim, alyas Picolo, 30 taong gulang, may-asawa, walang hanapbuhay,  tumutuloy  sa  Barangay Tagapo Sta. Rosa City at sa 863 Sitio Masiit, Barangay Labas, ng nasabing lunsod.
Si Sulit ay inaresto dahil na rin sa reklamo ng isang Louie Carlos y Zamora, na siyang nakipag transaksiyon kaya nadiskubre ang retailed petroleum Products na ibinebenta nito kay Carlos na halagang 5,000.00 piso.  Ang pag-aresto kay Picolo ay pinangunahan ni Police Chief Inspector Orlando Castil Jr.,  Laguna CIDT Chief, dakong ika-2:00ng hapon sa Barangay Banlic, Cabuyao, Laguna.

Si Picolo ay inaresto sa isang Entrapment Operation na isinagawa ng Laguna CIDT, Habang tinatanggap ng suspek ang pera kay Carlos sa Barangay Banlic.
Nakuha kay Picolo ang marked money na limang pirasong tig-isang daang piso, isang kalibre .38 na Smith and Wesson (paltik) na walang serial number may 5 bala, tear gas, DILG I D,  CIDG black t-shirt at sumbrero may tatak na CIDG na nakuha sa pack bag nito.
Ipinagharap na ng kasong Roberry/Extortion, Violation of RA 8294, as amended at Usurpation of Authority sa tanggapan ng korte ang naarestong suspek. (Arlene P. Mariposque)

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER