Inuumpisahan ngayon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pag-aaral sa paglalagay ng isang elevated EDSA sa mismong ibabaw ng kasalukuyang Efipanio delos Santos Avenue (EDSA). Layunin nito na mabawasan ang trapiko sa pangunahing kalsada sa Metro Manila. Ang 24-kilometer na EDSA ay dumadaan sa mga Lungsod ng Pasay, Mandaluyong, Makati, Quezon at Caloocan. Ayon kay DPWH Secretary Rogelio Singson, pinag-uusapan na ngayon kung paano bubunuin ang P50-B para sa proyekto at kung kailan ito magsisimula.
Nais naman ni Senador Francis Escudero ang isa pang opsyon ng DPWH na maggawa na lamang ng mga tunnel dahil malaki raw ang maitutulong nito sa trapiko at maging sa pagbaha. Ayon kay Escudero, ang Metro Manila lamang ang siyudad na binabaha kahit walang bagyo.
Sinabi naman ni Singson na mas malaki ang ilalaang badyet kung tunnel ang gagawin kaysa sa isang elevated EDSA.
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph