Nais ng mga guro na pataasin ang badyet sa edukasyon upang matugunan ang problema sa kakulangan sa klasrum, pasilidad at maging sa suweldo ng kaguruan. Sa isang teacher-leaders forum ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) na dinaluhan ng 200 guro mula sa Metro Manila, Central Luzon at CALABARZON Region. Plano ng 30,000 miyembro ng TDC na magsagawa sa Setyembre 18 ng pagkilos kasabay ang deliberasyon ng badyet para sa Department of Education.
Sa kabila ng ipinagmamalaking 15.2% o P31.5-bilyong piso na pagtaas sa badyet ng ahensya, hindi pa rind aw nito matutugunan ang mga kakulangan ayon kay Kabataan Partylist Rep. Raymond Palatino. Ayon pa kay Palatino,mayroong 152, 569 klasrum ang kailangan tugunan subalit 41, 381 klasrum lamang ang target ng adminsitrasyong Aquino para sa susunod na taon. Ang ilan pa nilang kapos na target ay 13,000 guro sa kakulangang 103,599; 2.47 milyong upuan sa kulang na 13.2 milyon at 45.5 milyong textbooks sa kabuuang kakulangan na 95.6 milyon.
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph