Matagumpay na natapos ang First Accountancy Student Congress sa Lipa City Cultural Center na dinaluhan ng libu-libong accounting students mula sa rehiyon ng CALABARZON. Ang kongresong ito ay may temang “Academe-Industry Alliance:Career Opportunities in Crossing the Borders.” Magkasamang handog ito ng Certified Public Accountants in Region IV, Inc. at Junior Philippine Institute of Accountants-CALABARZON.
Si Laguna Governor Jeorge E.R. Ejercito ang keynote speaker sa nasabing kongreso kung saan niyakag niya ang mga estudyante na maging bahagi sa pagkakaroon ng matatag na bansa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng magandang integridad at paglaban sa kurapsyon.
Nagkaroon rin ng mga delegasyon ang mga kolehiyo sa loob ng Lungsod ng Calamba, kabilang na ang City College of Calamba.
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph