CABUYAO, LAGUNA-----ISANG Lolo ang inaresto ng mga kagawad ng Criminal Investigation and Detection Group 4A (CIDG-4A) sa lugar ng Purok 2, Barangay San Juan, San Pablo City, Laguna, kamakalawa.
Kinilala ni Police Chief Inspector Orlando Castil Jr., Hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ang naarestong suspek na si Eufronio Javier Celerio alyas Efron. 60 taong gulang, may-asawa, walang hanapbuhay at residente ng lugar na nabanggit.
Base sa detalyeng ibinigay ni Chief Inspector Castil Jr., ganap na ika-2:00 ng hapon, ng i-served ng grupo ng Laguna Criminal Investigation and Detection Team (Laguna CIDT) ang Search Warrant sa nasabing suspek.
Ang Search Warrant ay inisyu ni Honorable Judge Cesar A. Mangrobang, ng Regional Trial Court (RTC) Branch 22 ng Imus, Cavite, at nakasaad sa warrant ang Violation of PD 1866 at ina-mend sa RA 8294, may petsang September 7, 2011.
Habang nagsasagawa ng paghahalughog ang mga awtoridad ay natagpuan nila ang mga sumusunod; 5 pirasong maliit na binalot sa plastic na naglalaman ng kulay puting kemikals, na pinaniniwalaang Metamphetamine/Hydrocloride o mas kilala sa tawag na shabu at Dalawang pirasong improvised water pipe.
Inaresto ng mga awtoridad ang nasabing suspek, kasama sa umaresto sina; Barangay Councilor Marlon Capili at Barangay Tanod Efren Almanza, ng Barangay San Juan, San Pablo City, Laguna. (Arlene P. Mariposque)
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph