Lumabas sa pag-aaral ng isang NGO na bilyong piso ang nawawala sa gobyerno dahil sa mga fishpond. Napag-alaman ng Tambuyod Development Center na nagbabayad lamang ang gma fishpond operators ng P1,000 kada ektarya ng sinisirang mga mangroves. Ayon sa kanila, undervalued ang mga fishpond fees na kinukolekta sa bansa.
Ayon sa Commission on Audit, nasa P312 milyong piso noong nakaraang taon ang hindi pa nababayarang ng gma fishpond operators. Lumabas sa pag-aaral ng NGO na hindi matutugunan ng binabayaran ng mga fishpond operator ang magiging epekto ng unti-unting pagkasira ng kalikasan. Noong 1960 nagsimulang magkaroon ng mangrove conversion patungong mga aquaculture at residential areas.
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph