Calamba City---Binababalaanan ang mga mamamayang mayroong bagong sasakyan na huwag basta basta ipaparada ang kanilang sasakyan sa mga lugar na madalang ang tao. Ito ay dahil mayroong modus operandi sa kasalukuyan na ninanakaw ang takip ng pito ng gulong ng sasakyan upang ipagbili sa halagang 150 pesos. Mga kabataang edad 8-10 taon ang mga ginagamit upang magtanggal ng pito habang nakaparada ang sasakyan. Ang tinatarget ng mga ito ay pawang mga bagong kotse.---Arlene Mariposque
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph