STA. ROSA CITY, LAGUNA------TINAKASAN ng driver nang motorsiklo ang nabundol nitong kotse sa lugar ng National Hiway, harap ng Robinson Place Market, sa Barangay Tagapo, Sta. Rosa City, Laguna, kamakalawa ng gabi.
Lumilitaw sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Prisco Mondiguing, imbestigador na may hawak ng kaso na ang insidente ay naganap dakong ika-9:30 ng gabi sa lugar na nabanggit.
kasalukuyan umanong tinatahak ng sasakyang Honda Civic Gold Car may plate number DTF-700, na minamaneho ni Axel Arjel Adaya y Sioson, residente ng number 29 San Bartolome Street, Pacita 1, Barangay San Vicente, San Pedro, Laguna, ang nasabing lugar, Nang bigla na lamang sumulpot ang Indoro Type na motorsiklo, na kulay pula at puti na minamaneho naman ng hindi nakilalang driver.
Paliko na umano ang kotseng Honda Civic Gold, papasok sa Robinson Mall (entrance/exit) sa gilid ng Gasolinahan mula sa bayan ng Binan. Nang bundulin ito na nasabing motorsiklo, na nagresulta ng pinsala ng kotse at ikinasugat naman ng driver ng motorsiklong nabanggit.
Nag-usap sina; Adaya at ang hindi nakilalang driver ng motorsiklo na pupunta sa Sta. Rosa City Police Station, kaya umuna na ang driver ng kotse sa nasabing himpilan ng pulisya, para sana ipa-blotter ang pangyayari.
Subalit ng makarating na sa bisinidad ng Barangay Kanluran, Sta. Rosa City, Laguna, patungo sa Barangay Balibago, Police Sub-Station, at naghihintay na si Adaya sa may City Plaza, ay hindi na nagpakita ang driver ng motorsiklong nabanggit.
Nagpasiya ang biktima na iparekord sa himpilan ng pulisya ang nasabing pangyayari, kaya ina-alam na ng mga awtoridad kung sino ang driver ng nasabing motorsiklo, at nakatakda nila itong sampahan ng kasong Damage to Property (Hit and Run) sa tanggapan ng korte. // Arlene P. Mariposque
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph