Umapela ang mga makakaliwang militante na gumawa ang mga Local Government Units (LGUs) ng batas upang huwag idikit ang kanilang mga grupo sa vilification drive. Nais ng mga grupo sa ilalim ng mga partylist na Bayan Muna, Anakpawis at Gabriela na gumawa ang mga LGUs ng ordinansa o resolusyon upang huwag silang isama bilang mga communist sympathizers.
Gagawa naman ng paraan sa loob ng Kongreso ang mga representante ng mga nasabing Partylist upang maipasa ang national anti-vilification law, na magliligtas sa kanilang mga miyembro sa pagiging target ng political killings at abduction, ayon kay Geanette Galvez, Project Coordinator ng mainstreaming campaign para sa taumbayan, ornaisasyon at mga komunidad. Sabi naman ni Katribu Partylist President Beverly Longid na kailangan gumawa ng mga ordinansa ang mga Sanggunian sa mga probinsya, munisipalidad at mga lungsod upang hindi sila gawing target ng mga grupong anti-komunista.
Ang mainstreaming campaign ay naglalayon upang labanan ang military report na nagsasabing communist fronts ang kanilang mga grupo, maging ang United Church of Christ in the Philippines (UCCP). Nagpaplano rin silang magsagawa ng mga forums at roundtable discussions sa mga opisyal ng gobyerno upang ipaliwanag kung ano ang ginagawa ng mga makakaliwang grupo sa bansa.---Matt Palentinos
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph