TAAL, BATANGAS Hulyo 12, 2011 - Naganap ang insidente dakong alas 9:45 umaga sa Brgy. Butong, Taal, Batangas kung saan ang biktima na si P/SUPT. RODNEY RAMIREZ y YANSON, 42 taong-gulang , may asawa , miyembro ng PNP na natakatalaga bilang Personnel Holding at Accounting Unit, Batangas PPO at nakatira sa P. Burgos Street, Brgy. Anak Dagat, Lemery, Batangas.
Ayon sa kay SPO3 Frederick Bonsol, habang ang biktima ay nabibisekleta patungong Lemery, Batangas ay pinagbabaril siya ng (6) anim na katao na hindi pa nakikilala at ang mga suspek ay lulan ng isang sasakyan Mitsubishi L-300 Van, kulay dark gray, may plakang TKY-349. Natagpuan ang sinakyan ng mga suspek kung saan ito ay iniwa sa Sta Teresita, Batangas. Samantalang ang biktima ay nagtamo ng tama sa ulo at isinugod agad sa Lemery Doctor’s Hospital sa Lemery, Batangas pero idineklarang ito ay patay na . Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang (1) isang piraso caliber .45, one (1) isang piraso basyo ng caliber 9mm at isang (1) unit of Mitsubishi L-300 Van na may plakang TKY-349 na siyang ginamit na sasakyan ng mga suspek .// Arlene P. Mariposque
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Last Updated on Tuesday, 12 July 2011 06:34