Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

‘Heliohaus’ cabinet solar dryer, inilunsad ng DOST

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

LOS BANOS, Laguna Hulyo 7 (PIA) -- Inilunsad ng Philippine Council for Aquatic and Marine Research and Development (PCAMRD) ng Department of Science and Technology (DOST) sa Davao kamakailan ang tinatawag nilang “heliohaus.”

Ang ‘heliohaus’ ayon sa PCAMRD ay isang proto-type-model ng cabinet solar dryer na sinubukan na at epektibo sa pagpapatuyo ng isda at maging mga ani sa bukid sa ilalim ng isang programa na itinaguyod ng ahensya.

Batay sa mga mananaliksik ng PCAMRD, napatunayan ang pagiging epektibo ng naturang “heliohaus” sa paggamit sa pagpapatuyo ng isda na huli sa dagat tabang upang makamit ang malinis at mataas na uri ng pinatuyong isda, kung ihahalintulad sa klase ng isdang tinuyo sa tradisyonal na pagbibilad nito sa sikat ng araw.

Batay kay PCAMRD Director Cesario Pagdilao, simple lamang ang disenyo ng “heliohaus” at kayang gawin ng mga karaniwang karpintero. Mahalaga lamang na malaman ang tamang sukat at paglalagay ng mga pitak sa loob nito para maging maayos ang sirkulasyon o pag-ikot ng init para pantay ang pagpapatuyo ng pinipreserbang karne at isda.

Para sa karagdagang kaalaman at impormasyon maaari bumisita sa tanggapan ng PCAMRD na matatagpuan sa Barangay Timugan, Los Banos, Laguna o maaaring tumawag sa telepono bilang (049) 536-0015 to 19 local 227/207. (CPG/PCAMRD/NDS, PIA-Calabarzon)

source: http://pia.gov.ph/?m=1&t=1&id=42331