Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

ESTAPADOR NADAKIP SA SAN PEDRO LAGUNA, BIKTIMA DUMARAGSA

  • PDF
User Rating: / 1
PoorBest 


SAN PEDRO LAGUNA-------PATULOY na dumaragsa ang mga nabiktima ng isang Estapador sa bayan ng San Pedro Laguna, kung saan ay nagsimula sa apat ang bilang ng biktima, ngunit patuloy pang nadaragdagan ang mga nagrereklamo sa nasabing suspek.

Kinilala ni Police Supt. Kirby John Kraft, Hepe ng San Pedro Laguna Police ang naarestong suspek na si; Mario Maniego y Mercado, 53 taong gulang, biyudo, walang hanapbuhay at kasalukuyang nakatira sa Number 44 Waling-waling Street, Pacita 1, Barangay San Vicente ng nasabing bayan. Ang 4 namang nagreklamo ay nakilalang sina; Jerry Sietereales y Belgar, 36 na taong gulang, nakatira sa number 249 J. Herrera Street, Barangay San Vicente, San Pedro Laguna.

Oliver Lanzarote y Percil, 22 taon, binata; Jeanly Macedonio y Moratalla, 37 taon, may-asawa; at Virginia Forda y Jimeno, 55 taon, may asawa, pawang mga nakatira sa Purok Manggahan, Barangay Sampaguita, bayang naturan. Naaresto ang suspek dakong ika-5:00 ng hapon, sa lugar ng Chrysanthemum Village, sa Barangay San Vicente, bayang nabanggit Nang grupo nina; SPO2 Larry Cabrera; PO2 Edgardo Carandang; at PO2 Pio Pievro Avila, habang aktong inaabot ang pera mula sa mga biktima. Nakapiit na sa San Pedro Laguna Lock Up Jail ang nasabing suspek at ipinagharap na ng kasong Estafa (ILLEGAL Recruitment Large Scale) sa tanggapan ng Provincial Prosecutor Office ng bayang nabanggit
. // Submitted by Arlene P. Mariposque  

 


CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER

Last Updated on Monday, 11 July 2011 04:15