Ikinulong ang isang propesor sa Los Baños, Laguna matapos mahuli siyang nagbebenta ng droga, nitong Hulyo 6.
Kinilala ang suspek na si Jason Gulay, isang guro sa Tourism at Hotel and Restaurant Management ng Laguna State Polytechnic University sa Los Baños.
Sinabi ni Los Baños PNP Chief Dante Novicio na nahuli si Gulay sa isang buy-bust operation sa labas lang ng paaralan na tinuturuan ng suspek.
“Nagconduct kami ng surveillance operations for the last two months, sa dalawang buwan ay nagmatiyag kami sa loob at labas ng paaralan. Gumamit kami ng asset para makumpirma naming kung gumagamit at nagbebenta ng shabu ang teacher na ito,” dagdag pa ni Novicio.
Lubos naman nagpapasalamat si Los Baños Mayor Anthony Genuino sa ginawang operasyong ito ng kapulisan. Dagdag pa niya na isa sa kanyang programa ay gawing drug-free ang kaniyang munisipalidad.
Mariin naming itinanggi ni Gulay na isa siyang tulak ng shabu bagkus nagawa lamang daw niya ito dahil sa personal na pangangailangan.---Matt Palentinos
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph