Calamba City/July 5, 2011--Patay ang isang Security Guard matapos diumano itong barilin ng kapwa nito guardia sa loob ng isang silid ng lumang building na kanilang ginugwardiyahan. Kinilala ang biktimang si Ramil Noradas at ang suspek na si Reynaldo Clarito. Ayon sa salaysay ng isa pa nilang kapwa guardiya na si Rolando Escano, nagkukuwentuhan lamang ang dalawa kung kaya’t laking gulat niya ng makarinig siya ng isang putok mula sa silid na kinaroroonan ng dalawa. Nakasalubong pa diumano ni Escano ang suspek na may dalang shot gun at nagmamadaling umalis. Agad na isinugod ang biktima sa isang ospital sa Barangay Halang, subalit dead on arrival na ito.—SG COLBY
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph