Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

4 BABAE BIKTIMA NG HOLDAP SA TRAYSIKEL

  • PDF
User Rating: / 1
PoorBest 

SANTA ROSA LAGUNA-----APAT na pasaherong babae ng isang traysikel na nagmula pa sa Binan City Laguna ang hinoldap ng apat na kalalakihan sa lugar ng Barangay Tagapo, Santa Rosa City Laguna.

Sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Prisco Mondiguing,, pulis na may hawak ng kaso nabatid na dakong ika- 10:45 ng umaga ng maganap ang nasabing insidente sa lugar na nabanggit.

Kinilala ni PO3 Mondiguing ang mga biktima na sina; Resa Malicasa, 22 taong gulang, may-asawa; Wilma Alforque, 24 na taong gulang; Genesa Alforque, 22 taong gulang; at Rowena  Alforque, 24 na taong gulang, pawang mga dalaga at mga tindera ng karne at manok, nakatira sa Solid Gold Compound, Barangay Tagapo, Santa Rosa City Laguna.

Sa ulat ng pulisya, napag-alamang ng pumasok ang nasabing traysikel sa loob ng nabanggit na compound, isa sa hindi nakilalang suspek ang humarang sa daraanan nito, kaya napilitan ang driver nitong nakilala lamang sa pangalang Roy na itigil ang sasakyan.

Bigla na lamang umanong dumating pa ang tatlong hindi nakilalang mga kalalakihan mula sa Abba Canteen at nagdeklara ng hold-up habang nakatutok ang mai-igsing mga baril sa mga biktima.

Nilimas umano ng mga suspek ang mga dalang pera ng 4 na mga biktima, pati na ang kinita ng Trysicle driver maging ang kanilang mga Cellphone at rekord Notebook ay tinangay din ng mga holdaper, bago pa tumakas ang mga ito.

Kasalukuyan ng pinaghahanap ng mga awtoridad ang apat na mga suspek, at inalerto na rin ng pulisya ang mga kalapit lugar at mga bayan na posibleng daraanan ng apat na mga holdaper.// Arlene P. Mariposque


CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER