NAPATAY sa malalakas na hataw sa ulo ng dos por dos ang isang amang 70 taong gulang sa kamay mismo ng kaniyang anak na babae na pinaniniwalaang nawala sa sarili kamakalawa sa Brooke’s Point, Palawan.
Isasailalim sa Psychological Test si Beverly Delia, 24, matapos na sabihing hindi naman ang kaniyang ama na si Eduardo, 70, ang kaniyang napatay kundi isang aswang.
Sa ulat na nakalap mula kay Chief Inspector Necerato Sabando Jr., itinawag ng mga opisyal ng naturang barangay na 9:00 ng gabi ay natagpuan ang biktima sa bakanteng lugar malapit sa kanilang bahay na walang buhay dahil sa malakas na pagpalo sa ulo nito.
Agad namang inimbestigahan ng pulisya ang pamilya pero laking gulat nila nang biglang sumabad si Delia at sinabi umanong “Hindi naman si Tatay ang napatay ko. Aswang ang nakita ko kaya ko hinampas”.// Arlene P. Mariposque
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph