Pinirmahan na ni Pangulong Aquino ang batas para sa libreng bakuna sa mga bata.
Ang batas ay ang Republic Act 10152 o the act providing for mandatory basic immunization services for infants and children repealing for the purpose Presidential Decree No. 996, as amended.
Ito ay mga panukala ng mga mababatas na sina Rep. Susan Yap at Emilio Abaya, pati nina Senador Pia Cayetano at Francis Escudero.
Sa pamamagitan ng batas ay bibigyang bakuna ang mga bagong silang na sanggol laban sa Hepatitis-B sa loob ng 24 oras matapos itong ipanganak.
Sinabi ng pangulo na ginawa nila ang batas upang mabigyan ng kakayahan makapagpabakuna ang mga mahihirap na pamilya. Ito ay ipang mabigyang raan ang mga Pamilyang Pilipino para sa maayos na serbisyo sa kalusugan.--Matt Palentinos