Matapos pirmahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang RA 10150, patuloy na makakakuha ng diskwento ang mahihirap na mamayan sa bayad sa kuryente.
Na-extend ng sampung taon ang subsidy ng gobyerno sa mga mamamayan nating kumukunsumo ng mababa sa 100 kilowatt per oras bawat buwan.
Ang RA 10150 o act that provides a ten-year extension of the lifeline rate implementation under the Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) ay naglalayong tumulong sa mamamayang maliit ang konsumo sa kuryente.
Ang nasabing batas ay akda nila Rep. Henedina Abad, Rufus Rodriguez at Ben Evardone sa mababang kapulungan at nina Senador Francis Escudero, Serio Osmeña III at Senate President Juan Ponce Enrile sa Senado.--Matt Palentinos